Dahil Sa'yo - Lyrics


 


Sa buhay ko'y labis

Ang hirap at pasakit

Ng pusong umiibig

Mandi'y wala ng langit

At ng lumigaya

Hinango mo sa dusa

Tanging ikaw sinta

Ang aking pag-asa

Dahil sa `yo nais kong mabuhay

Dahil sa `yo hanggang mamatay

Dapat mong tantuin

Wala ng ibang giliw

Puso ko'y tanungin



Ikaw at ikaw rin

Dahil sa `yo ako'y lumigaya

Pagmamahal ay alayan ka

Kung tunay man ako

Ay alipinin mo

Ang lahat ng ito'y

Dahil sa `yo

Kung tunay man ako

Ay alipinin mo

Ang lahat sa buhay ko'y

Dahil sa `yo


Song by Pilita Corrales

Post a Comment

Previous Post Next Post